literature

Landas

Deviation Actions

SuicideForAbheng's avatar
Published:
229 Views

Literature Text

Minsan ako'y nangarap na mag-isa...
Na sa aking paglalakad ay may makakasama...
Sa bawat katuwaan, paghikbi at pagluha...
Kabalikat sa panahong... tuhod ay manghihina...

Marami ang sumubok, sumabay, at dumaan...
Ngunit sa huli'y ako pa rin ang nasasaktan...
Sadyang napakapait,kapalaran aking nakamtan...
Pasakit, pagluha sa tuwing ako'y iniiwanan...

Ngunit hindi tumigil, puso'y pilit naghintay...
Umasa na isang araw ako'y may makakasabay...
Nangarap na may isa, na sa akin ay aalalay...
Hindi nag tagal dumating ka sa aking buhay...

Binigyang kasiyahan...binigyan ng saysay...
Sa masalimuot kung mundo... nagsilbi kang kulay...
Sa bawat panahon ika'y nanatiling umaalalay...
Kahit oras natin ay hindi magkasabay...

Subalit darating ang araw katatagan ay susubukan
Pasakit sa ating samahan, hindi maiiwasan..
Mga panlalamig, sa mundong ating ginagalawan...
Tinik may inilatag sa bawat ating daanan...

Sa mga pagsubok, na ating pang haharapin...
Kahit anong hirap, ito'y ating kakayanin...
Kailan man kamay'mo, hindi kayang bitawan...
Upang iyong maramdaman na ika'y aking aalagaan...

Sa pagkakataong iyon... hindi ako susuko...
Pagsamahan kailan man hindi guguho...
Nananatili ang lakas at tibay ng puso...
Nananaig ang tiwala...pagmamahal ay di lalayo...

Salitang pangako ay kailanma'y hindi ko sasambitin...
Dahil ayaw kong ito'y mapako at ika'y aking biguin...
Mga salita'y hindi babangitin, subalit ito'y aking gagawin...
Upang iyong maramdaman ang sigaw nitong aking damdamin...

Mahal, Kailanma'y hindi ka kayang pababayaan...
Salitang sadyang kay sarap, na sa tenga'y pakingan....
Ngunit sana iyong makita't maramdaman....
Na sa aking kilos, ay ito'y aking pinapatunayan...

Alam kong marami pa tayo mga pagdadaanan...
Marami pa tayong mga pagsubok na haharapin...
Ngunit ang tangi salitang sa'yo aking iiwan...
Na sa aking puso, ikaw lang ang tanging laman...
.....
© 2008 - 2024 SuicideForAbheng
Comments0
Join the community to add your comment. Already a deviant? Log In